Isa sa ipinagmamalaki sa Pilipinas na may magandang tanawin. At ang ipinagmamalaki dito ay ang “seven lakes” na matatagpuan dito lamang sa San Pablo. Hindi rin ito mag-papahuli sa masasarap na pagkaing pinoy, isa ito sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa nakaka-ginhawang tanawin at malinis na lugar. Sa pagbukang-liwayway masisilayan ang nakakabighaning pag-sikat ng araw mula sa dulo ng lawa, di-makakailang nakatatanggal ng stress.
Binabalik-balikan ditong pagkain ay ang Nilupak na may butter at cheese sa ibabaw o kaya may konting mani, suman balinghoy naman o kamoteng kahoy(cassava). Di papahuli ang Sinanday ni Pea na matamis, masarap din dito ang Ginataang Tilapia na binalot sa mustasa at may mahabang sili. Meron ding karokya at ube na paboritong pang-himagas ng karamihan at mga dayong turista.
Lake Bunot

Kaya marating ng sasakyan ang gilid ng lawa ng Bunot . Ang sumunond namin pinutahan ang lawa ng Calibato malayo sa kalsada ang lawa kaya mag lalakad ka ng 30 minutes para maka rating kasa lawa .sa lake calibato di naman mainit sa daan madaming puno saka may sapa na malinaw sarap mag hilamos .
Lake Calibato

Pagkatapos sa lake Calibato sa Pandin lake naman kami nag punta. Malayo din sya sa kalsada kaya pagpupunta kayo dito may parking area sila ng sasakyan. Medyo nakakaligaw ang daan papunta dito dami kasi crossing. Medyo malalayo yung marka papuntang lake pandin. Ang kaibahan naman nito sa iba may balsa sila na iaalok sa inyo doon kayo kakain habang sinasagwan ng mga kababaihan hangang sa lake yambo . maganda ang lugar masarap maligo sa lawa nakaka enganyo ang mga kabataan na naliligo sa lawa. May mga souviner din silang inaalok sa mga bisita.
Lake Yambo

Mag lalakad ka sa hagdana pababa ng lake ganun din ang makikita mo madaming palaisdaan at ang bundok ng cristobal at bundok ng banahaw . maganda ang klima nung nag punta kami kaya bughaw na bughaw ang langit.
Lake Palakpakin

Matapos puntahan ang lake yambo. Ang sumunod naman ay ang Lake Palakpakin madali lang ito puntahan kasi halos katabi na ng kalsada saka dito marami silang alagang tilapya .
Lake Muhikap

Madaming restaurant at may park sa gilid na pwede pasyalan pwede rin mag rent ng blasa para libuting ang lawa habang kumakain sa lumulutang na balsa.
Kaya syan Libutin gn isang araw na puntahan ko din ang seven lakes masasabi ko lang ag enjoy kami sa trekking, sa mga tao na nakausap, sa magagandang tanawin at sa pagkain sa lawa ng Sampalok.
Lake Sampalok

Ang pinakamalaki sa pitong lawa. Maaari mo itong tanawin mula sa itaas at sa ibaba kung saan matatanaw ito ng malapitan. Maaari ka ditong mamasyal, magbisikleta, kumuha ng litrato, mangisda at sumakay sa bangka para mamasyal sa bangka. Noong namasyal ako dito, ramdam ko ang lamig ng hangin at ang kalinisan ng lawa.
Lake Pandin

Ang malamig na tubig at kaakit-akit na landscape ay tumpak na naglalarawan ng Pandin Lake. Nakatago ito sa lungsod ng San Pablo, ang lawa ay isang magandang lugar para makapagpahinga.
Kabilang sa sikat na pitong lawa ng lungsod, mayroon itong isang lugar na 20 ektarya at mahigit kumulang 63m. ang lalim.
Ang isang araw na paglibot sa paligid ng Sampaloc Lake ay isang pambihirang karanasan!
